<

Ang Dios
ay mayroong Mabuting Balita para sa iyo!
Maari kang magkaroon ng Walang Hanggang Buhay!

Ang ibig sabihin ng Evangelio ay Mabuting Balita.

“Sapagka't hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagka't siyang kapangyarihan ng
Dios sa ikaliligtas ng bawa't sumasampalataya; una'y sa Judio, at gayon din sa Griego”
(Roma 1:16).

“ mangagsisi, at magsisampalataya sa evangelio” (Marcus 1:15).


PANIMULA
Ibinigay ng Dios ang kaniyang bugtong na anak, na si JesuCristo sa sanglibutan upang magbata, ibubu ang kaniyang dugo at mamatay sa ating kasalanan. Siya ay kusang loob at naging kabayaran sa atin sa Dios dahil sa ating kasalanan.
“Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:16).

Si Jesus ay nagkatawang tao dito sa sanglibutan ay makihalin tulad sa atin,na walang sala.Siya ay isinilang ng isang Birhen sa pamamagitan ng Banal na Spiritu.Siya ay tunay na Dios(anak ng Dios) at naging tao. Si Jesus ang walang kapara at tunay na Dios.
“Datapuwa't nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak, na ipinanganak ng isang babae, na ipinanganak sa ilalim ng kautusan” (Galacia 4:4).
“at sa kaniya'y walang kasalanan” (I Juan 3:5).
Si Jesus ay namuhay at hindi nagkasala.

Ang Mabuting Balita(Evangelio)ni JesuCristo ay, “Si Crito ay namatay dahil sa ating kasalanan ayon sa kasulatan At siya ay inilibing at muling nabuhay pagkalipas ng tatlong araw ayon sa kasulatan:Siya ay nakita…” (I Corinto 15:3-5).
Dahil sa Evangelio ni JesuCristo,ang makasalanan maging ikaw at ako ay maliligtas at magkakamit ng buhay na walang hangang.

I. SI JESUS AY NAMATAY DAHIL SA IYO.
“upang sa pamamagitan ng biyaya ng Dios ay lasapin niya ang kamatayan dahil sa bawa't tao” (Hebreo 2:9).
“At siya ang pangpalubag-loob sa ating mga kasalanan; at hindi lamang sa ating mga kasalanan, kundi ng sa buong sanglibutan din naman” (I Juan 2:2).
Ibinubu ni Jesus ang kanyan dugo para sa iyo.upang ikaw ay matubos.
“Kundi ng mahalagang dugo, gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis, sa makatuwid baga'y ang dugo ni Cristo:” (I Pedro 1:19).
“Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin” (Roma 5:8).

II. SI JESUS AY INILIBING.
“Kinuha nila ang bangkay ni Jesus, at binalot ng mga kayong lino na may pabango, ayon sa kaugalian ng mga judio sa paglilibing. Sa dako nga ng pinapakuan sa kaniya ay may isan halamanan; at sa halamanay may isang bagong libingan, na kalian may hindi pa napaglalayan ng sinoman. Kanilang inilagay si Jesus..”(Juan 19:40-42).

III. SI JESUS AY NABUHAY PAGKALIPAS NG TATLONG ARAW.
“Na sinasabi, Kinakailangan na ang Anak ng tao ay ibigay sa mga kamay ng mga taong makasalanan, at ipako sa krus, at magbangong muli sa ikatlong araw” (Lukas 24:7).
“At sa ikatlong araw pag katapos ng mga pangyayari ….. At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila'y nagsabi, Kapayapaa'y suma inyo. Datapuwa't sila'y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa” (Lukas 24:21,36-40).

“Siya na ibinitin sa isang punong kahoy: Binuhay siya ng Dios makalipas ang talong araw,at patuloy na ibinibitin. Hindi sa buong bayan, kundi sa mga saksi na hinirang ng Dios nang una, sa makatuwid baga'y sa amin, na nagsikain at nagsiinom na kasalo niya, pagkatapos na siya'y muling mabuhay sa mga patay” (Gawa 10:39-41).

At tinuran ni Jesus, “At ang Nabubuhay; at ako'y namatay, at narito, ako'y nabubuhay magpakailan man, at nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng Hades” (Pahayag 1:18).
“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya'y mamatay, gayon ma'y mabubuhay siya; At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man. Sinasampalatayanan mo baga ito?” (Juan 11:25, 26).

ANO ANG AKING DAPAT GAWIN UPANG MALIGTAS

Ang buhay na walang hangan ay regalo ng Panginoon na dapat tangapin ng bawat tao upang maligtas at magkaroon ng buhay na walang hanggan.Dapat itong tangapin sa paraan na itinuro ng Panginoon ayon sa Banal na kasulatan.

I. Pakaisipin at unawain na tayo ay nagkasala laban sa Dios.
Sinabi ng Dios na tayong lahat makasalan. “Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa:” (Roma 3:10).
“Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios;” (Roma 3:23).

II. Magsisi Tungo Sa Dios.
(Magbago ng pag iisip at puso ayon sa kasalanan at sa Dios). Nasain ang pagbabago tungo sa Dios. Nasain ang pag iwas sa kasalan at hindi paniniwala tungo sa katuwiran ng Dios. “Sinasabi ko sa inyo, Hindi: datapuwa't, malibang kayo'y mangagsisi, ay mangamamatay kayong lahat sa gayon ding paraan” (Lukas 13:3).

III. Manampalataya Sa Ating Panginoong Jesus.
Sa pamamagitan at paniniwala sa Evangelio ni JesuCristo. “At kanilang sinabi, Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan” (Gawa 16:31).
"Na sinasaksihan ko sa mga Judio at gayon din sa mga Greigo ang pagsisisi sa Dios, at ang pananampalataya sa atin Panginoong JesuCristo" (Gawa 20:21).
“Sapagka't kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka:” (Roma 10:9).

IV. Manalangin at humingi ng tawad sa Panginoon sa iyong nagawang kasalan at sa iyong kaligtasan.
“Datapuwa't ang maniningil ng buwis, na nakatayo sa malayo, ay ayaw na itingin man lamang ang kaniyang mga mata sa langit, kundi dinadagukan ang kaniyang dibdib, na sinasabi, Dios, ikaw ay mahabag sa akin, na isang makasalanan” (Lukas 18:13). Si Jesus ang tangin daan tungo sa Dios at sa Paraiso. “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6).

Tangapin si Jesus Ngayon bilang na iyong sariling tagapagligtas at Dios,sa pamamagitan ng kaniyang awa,pagkakalooban ka niya ng regalo ng walang hangang buhay.

[Translation of our Gospel Tract into Tagalog by Missionary Eddie Panlilio]
HOME PAGE